Tiny piece of heaven on earth
Amidst the difficulties in finding ways to relax or destress - I have proven once again, that small things matter. Apart from my wide collection of philosophical books that I tend to not believe anymore as I grow older, There's always this one favorite book of yours who always shines and who always knocks the truth out of you. Which book is it: Bob Ong's ABNKKBSKNPLA!
hehe
I'm the type who loves to read but never reads the same book twice!
I'm the type who gets attracted by philosophical truths and ways of life.... But as I tend to mature and see the worst parts in life, I tend to withdraw from my past truths. EXCEPT for Bob Ong's books. NO matter how many time I read it - it always gives me valuable insights, laughs and inspiration.
Isa lang masasabi ko: Idol kita Bob Ong. Patuloy mo akong ginagawang mabuting tao. Patuloy mong pinapapagana ang utak ko at binibigyan mo ako ng pagasa mabuhay. Salamat sa lahat ng libro mong inaliw ako mula nung High School pa lamang ako.... Isa ka sa mga awtor na talaga nga namang nakakainspire!
Sana madami ka pang libring magawa para naman madami pa kaming maaalalang matutunan at balikan. Thank you! 
1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”
7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”
13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”
15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
ANOTHER SET:
2. “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
3. “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
4. ”Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko naibalik ang panahon.”
5. ”Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba”
6. “Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
7. “Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
8. “Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo’y papalubog na. Basta’t wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.”
9. “Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
10. “Merong matigas.. merong malambot.. merong tuwid..merong kulot.. merong buo..merong durog.. at merong mga taong hindi basta basta lumulubog!”
11. “Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.”
12. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
13. “Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”
14. “Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo, kailangan nkatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED..“
15. “Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.”
16. “Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.”
17. ”Tatlong uri ng mamamayan: Ang mahihirap, ang mas mahihirap at ang mga makapangyarihang oportunistang maylikha sa dalawa.”
18. “Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations kapag oras na ng sisihan.”
19. “Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?”
20. “Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskwelahan na gawing 0 to 10% lang ang ‘character’ sa computation ng grades gayong Character ang humuhulma sa tao, pamilya, bansa, mundo at kasaysayan?”
21. “Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa ako. Hindi pala lahat ng bata e dumadaan sa kamusmusan.”
22. ”Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”
23. “Nalaman kong mali ang laging mamigay ng pad paper sa mga kaklaseng linta na hindi bumibili ng paper kahit may pambili.”
24. “Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?”
24. “Minsan kailangan mong maging malakas, para amining mahina ka.”
25. “Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.”
26. “Kahit saang anggulo tingnan, mahirap yatang lunuking ang katwirang “eh ano kung mabaho tayo, may mas mabaho pa naman sa atin ah!”
27. “Ano ang talino kung walang disiplina?”
28. “Kulang ba tayo sa pagmamalaki? Ito ba ang dahilan kaya pinalitan ng Philipine Eagle ang maya bilang pambansang ibon? May mali nga ba sa mga simbolo ng ating kasarinlan at idelohiya?”
29. “Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo.”
30. “Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”
Currently reading: Bob Ong Quotes :)
Posted by jaja_angelface at 03:50 PM | Jaja!hear me say


